Makati City – Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police Station kung saan nakumpiska sa kanilang possession ang tinatayang Php450,950 halaga ng shabu nito lamang Lunes, Setyembre 11, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Amoy,” 22, merchandiser, at Jeffrey Sebastian, 42.
Ayon kay PBGen Mariano, nangyari ang joint buy-bust operation ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit operatives at ng mga tauhan ng West Rembo Substation sa Guiho Street, Barangay Cembo, Makati City, bandang 12:10 ng madaling araw.
Nasamsam ng mga awtoridad ang 13 heat-sealed transparent plastic sachet at isang knot-tied na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may pinagsamang timbang na 59.7 gramo na nagkakahalaga ng Php405,960, isang genuine na Php500 na ginamit bilang buy-bust money, isang blue na Vivo cellphone, at isang multi-colored pouch.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Mariano ang walang patid na dedikasyon ng mga operatiba ng SDEU at West Rembo Substation personnel para labanan ang mga aktibidad ng ilegal na droga sa Makati City.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos