Tinatayang Php450,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Beleng, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-27 ng Disyembre 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Benguet Police Provincial office, Regional Intelligence Division, Police Regional Office-CAR, Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang sukat na 450 square meters na may nakatanim na humigit kumulang 2,250 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na Standard Drug Price na Php450,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.