Cagayan de Oro City – Tinatayang Php448,800 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 10 at Cagayan de Oro City Police Station 9 bandang 1:03 ng hapon nito lamang ika-23 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Demver Vergara, Hepe ng Regional Drug Enforcement Unit 10, ang mga suspek na sina alyas “Aw-aw” 36, residente ng Purok 1, Barangay Kiwalan, Iligan City at si alyas “Ali”, 36, residente ng Barangay Masolun, Taraka, Lanao del Sur.
Sa naturang operasyon nakuha ang 13 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 66 gramo na may Standard Drug Price na Php448,800; isang sunglass case; isang weighing scale at techno android cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Police Regional Office 10 ay patuloy sa mandato laban sa ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad upang mapanatili ang payapa at ligtas ang mga mamamayan sa nasasakupang rehiyon.