San Mateo, Rizal – Tinatayang Php448,800 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Miyerkules, June 22, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Lucky Teves Saavedra, alyas “Lucky”, 27, residente ng Salamat Street, Matahimik Compound, Brgy. Ampid II, San Mateo, Rizal at Rodsan Baluyot Amparo, alyas “Unsoy”, 32, residente ng 4B Kalayaan Street, Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 4:45 ng umaga naaresto ang mga suspek sa Gen. Luna Hi-way, Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakumpiska sa mga suspek ang 11 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 66 gramo at nagkakahalaga ng Php448,800, isang red pouch, isang piraso ng Php500 bill na marked money at tatlong pirasong ng Php100 bill.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni PCol Dominic Baccay ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Rizal PPO PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano