Tinatayang nasa Php400,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang dating miyembro ng Kidnap for Ransom Group sa anti-illegal drug operation na ikinasa sa Barangay Buenavista, Jaro, Leyte nito lamang Oktubre 18, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Efren”, 47 anyos, walang trabaho, at isang High Value Target at residente ng nasabing lugar.
Ang operasyon ay isinagawa ng Special Enforcement Team ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8, katuwang ang Jaro Municipal Police Station (MPS).
Nakuha sa mula suspek ang dalawang malaking sachet ng shabu at tatlong sachet na may kabuuang timbang na 35.08 gramo at may tinatayang halaga na Php444,000.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Panulat ni Cami