Thursday, November 28, 2024

Php442K halaga ng shabu, nasabat sa PNP-PDEA buy-bust

Bohol – Tinatayang nasa halos kalahating milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa drug suspek na naaresto sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Purok 7 Lourdes, Panglao, Bohol noong Lunes, Enero 23, 2023.

Ayon kay Police Major Andie Corpuz, Chief of Police ng Panglao Police Station, ang suspek na kinilalang si alyas “Ondoy”, 32, residente ng Purok 4, Bolod, Panglao, Bohol ay nadakip bandang 6:30 ng hapon ng mga miyembro ng naturang istasyon katuwang ang mga tauhan ng Bohol Maritime Police Station, Regional Police Drug Enforcement Unit 7, at ng PDEA Bohol.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 65 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php442,000, isang unit ng Vivo Android Phone, isang unit ng Honda XRM black with plate number 8210 YB, at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Tiniyak naman ng buong hanay ng Bohol Police Provincial Office, sa pangunguna ni Police Colonel Lorenzo A Batuan, Provincial Director na kasunod ng matagumpay na operasyon ay kanila pang paiigtingin at pag-iibayuhin ang kampanya kontra ilegal na droga maging sa lahat ng uri ng kriminalidad para sa patuloy na pagsusulong ng kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng buong probinsya.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles