Nasabat ng Cagayan de Oro City PNP ang Php442,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Bypass Macapagal Road, Upper Carmen, Cagayan de Oro City nitong Mayo 24, 2024.
Ayon kay PCol Salvador N Radam, City Director, COCPO, ang ikinasang operasyon kasama ang City Drug Enforcement Unit 10 ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na isang 33 taong gulang at residente ng Antipolo, Carmen, Cagayan de Oro City.
Nakumpiska sa operasyon ang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php442,000, isang Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money, at iba pang mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon na ito ay resulta ng walang tigil na dedikasyon ng Pambansang Pulisya para sa pagpapaigting sa kampanya kontra ilegal na droga.
Panulat ni Pat Junia Tria Molinos