Mabalacat City – Tinatayang Php442,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation ng Mabalacat City PNP nito lamang Miyerkules, Hulyo 13, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Protom E Guevarra, Acting Chief of Police ng Mabalacat City Police Station, Pampanga Police Provincial Office, ang suspek na si Vivialyn Flores y Flava, 23, High Value Individual, residente ng Water Pump, Saint Benedict, AdminSite, Tala, Caloocan City.
Ayon kay PLtCol Guevarra, bandang 9:00 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Spill Way Barangay Dau, Mabalacat City ng pinagsanib na puwersa ng Mabalacat City PS, PNP Drug Enforcement Group-Special Operation Unit 3 at 2nd Provincial Mobile Force Company, Mabalacat Patrol base.
Dagdag ni PLtCol Guevarra, narekober mula sa suspek ang nasa humigit kumulang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php442,000 at Php1,000 marked money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pa rin ang ginagawang operasyon ng PNP para tuluyang mahuli ang mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga at maging malaya ang bansa sa ipinagbabawal na gamot na sumisira sa kinabukasan ng mga mamamayan lalo na ang kabataan.
Source: Mabalacat City Police Station
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera