Candelaria, Quezon – Tinatayang Php441,864 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon PNP nito lamang Biyernes, July 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na sina Trisha Daang Gentiles alias “Trisha”, 38, residente ng Ruhat Tres, Brgy. Mambugan, Antipolo City, Rizal at Jamie Ciga Escuadra alias “James”, 60, residente ng Unit 5, Pagray Hills, Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay PCol Villanueva, naaresto ang dalawang suspek bandang 9:00 ng umaga sa Candelaria By-pass Road sa Brgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon ng mga operatiba ng Candelaria Municipal Police Station at PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operating Unit-National Capital Region.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang siyam na pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 21.66 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 441,864, isang unit ng Redmi cellphone, isang black sling bag, perang nagkakahalaga ng Php1,040 bill, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang boodle money.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Source: Quezon Police Provincal Office-PIO
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio