Sunday, May 11, 2025

Php441.9M ransom money, nasabat sa Mactan-Cebu Airport; 11 arestado

Nasabat ng mga awtoridad ang halagang Php441.92 milyon, US$168,730 at HK$1,000 na hinihinalang ransom money sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Filipino-Chinese na si Anson Que, sa Mactan-Cebu International Airport noong Biyernes ng gabi, ika-9 ng Mayo, 2025. Nadakip ang siyam na dayuhan at dalawang Pilipino na pinaniniwalaang may kinalaman sa krimen.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, narekober ang nasabing salapi mula sa mga bagahe ng mga suspek na lumipad mula Cebu. Nagprisinta umano ang mga ito ng sertipikong mula sa isang casino sa Cebu na may pangalang “White Horse” upang mapatunayan na ito’y panalo sa sugal.

Gayunpaman, natukoy ng PNP na ang “White Horse Club” at ang “9 Dynasty Group”, na pagmamay-ari ni Li Duan Wang alias Mark Ong, isang Chinese national ay parehong may kaugnayan sa ransom money na ipinadala sa kanilang e-wallets ng pamilya Que mula Marso 31 hanggang Abril 8.

Tinumbok ng PNP Anti-Cybercrime Group na ang ransom money ay idinaan sa mga junket operator bago ilipat sa crypto wallets gamit ang virtual asset service providers (VASPs). Dalawang lokal na VASP ang pinadalhan na ng subpoena, habang kinakausap na rin ang dalawa pang nasa ibang bansa.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong lawak ng sindikatong nasa likod ng krimen.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles