Cotabato – Naharang ng pulisya at kasundaluhan ang isang truck na may lamang Php437,000 halaga ng smuggled na sigarilyo na pinaniniwalaang nagmula pa sa ibang bansa sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Paco, Kidapawan City, Cotabato nito lamang Setyembre 19, 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dominador Palgan Jr., Hepe ng Kidapawan City Police Station, ang mga nakumpiskang kontrabando ay ihahatid sana sa Digos City ng driver ng truck na si alyas “Anthony” kasama ang kanyang pahinante na si alyas “Ibrahim”.
Aabot sa 1,259 na ream ng imported na sigarilyo ang nakumpiska sa dalawang suspek.
Patunay lamang na ito ang resulta ng mas pinaigting na pagpapatupad ng Checkpoint ng PNP katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan para matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad lalo na sa nalalapit na halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan 2023.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin