Zapote, Las Pinas City — Tinatayang nasa Php428,400 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa buy-bust ng Las Piñas City Police Station nito lamang Lunes, Agosto 1, 2022.
Kinilala ni SPD Director, PBGen Jimili Macaraeg, ang suspek na si Judiel Rayo y Vergara alyas “Jing”, 39, lalaki, at residente ng Las Piñas City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang alas-3:20 ng hapon naaresto si Rayo sa 340 Basa Compound, Barangay Zapote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas CPS.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, narekober kay Rayo ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet at isang knot-tied ice bag na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 63 gramo at may street value na Php428,400, isang genuine na Php500 at 19 piraso na Php500 pekeng pera na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap si Rayo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Alinsunod sa direktiba ng ating mahal na Pangulo, ang SPD ay mas paiigtingin pa ang kampanya kontra ilegal na droga, ang operasyong ito ay dapat magsilbing babala sa lahat, na ang ating mga tauhan dito sa SPD ay hindi magdadalawang-isip na arestuhin ang mga drug suspect na hindi titigil sa kanilang ilegal na aktibidad lalo na sa kalakalan ng illegal na droga sa ating AOR,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos