Nueva Ecija – Tinatayang nasa Php427,720 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang joint buy-bust operation ng Nueva Ecija PNP sa Brgy. Sto. Niño, Gapan City, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, Nobyembre 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Richard Caballero, Officer-In-Charge ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang mga suspek na sina Rolando De Guzman y Cabling, 50 at Rom Jayson Escarilla, 30, pawang residente ng Brgy. Sto Niño, Gapan City, Nueva Ecija at Alexis Cabling y Beriña, 50, residente ng Brgy. Putrero, Malabon, Metro Manila.
Ayon kay PCol Caballero, naaresto ang mga suspek bandang 10:30 ng umaga ng pinagsanib pwersa ng Gapan City Municipal Police Station, 303rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Company 3, 4th Maneuver Company ng 1st Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit-Nueva Ecija, Police Provincial Drug Enforcement Unit-Nueva Ecija, Regional Police Drug Enforcement Unit 3 at Regional Intelligence Unit 3.
Nakumpiska sa mga suspek ang hinahinalang shabu na tumitimbang ng 62.9 gramo na may halagang Php427,720, isang Remington Shotgun with serial number 253860, isang caliber 38 revolver na walang serial number, apat na pirasong live ammunition ng cal. 9mm at dalawang pirasong heat-sealed transparent sachet ng dried marijuana.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act.
Ang Pambansang Pulisya ay mahigpit sa pangangampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang mga mamamayan na sumunod sa ipinatutupad na batas.
Source: Nueva Ecija PPO
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3