Sinira ng mga miyembro ng Southern Police District ang tinatayang 32,692 piraso ng sari-saring paputok na nagkakahalaga ng Php424,178 at boga na nakumpiska simula noong Disyembre 16, 2024 hanggang Enero 6, 2025 sa SPD Grandstand, Taguig City nito lamang Martes, Enero 7, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng SPD, na may 17 na katao ang nasawi sa mga insidenteng may kinalaman sa paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Bukod pa rito, tatlong insidente ng ligaw na bala din ang naitala, at naaresto ang apat na suspek dahil sa ilegal na pagmamay-ari, paggamit, at pagbebenta ng mga paputok.
Ayon pa kay PBGen Abrugena, may 871 piraso ng “boga”, isang makeshift cannon na karaniwang gawa sa PVC pipe na ginagamit upang makagawa ng malalakas na ingay, kasama ang mga nakumpiskang paputok tulad ng kwitis, lucis, whistle bomb, fountain, Judas belt, 5-star, super lolo, pla-pla, piccolo at iba pa ang nakumpiska at sabay-sabay na sinira ng pulisya.
“Ikinagagalak kong iulat na kumpara sa mga nakaraang taon, nakita namin ang isang makabuluhang pagbaba sa parehong bilang ng mga insidente na may kaugnayan sa paputok at ang dami ng mga ilegal na paputok na nasamsam. Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagsusumikap at pagbabantay ng ating mga tauhan, gayundin ng pagtutulungan ng komunidad”, saad ni PBGen Abrugena.
Source: SPD PIO