Antipolo, Rizal – Tinatayang Php420,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang indibidwal sa buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Huwebes, Abril 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Aaron Espiritu Cabuhat, 29 at residente ng 27 Rome Street, Victoria Valley Subd., Brgy. Sta. Cruz, Antipolo, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 2:14 ng madaling araw naaresto ang suspek sa kanyang tirahan ng City Drug Enforcement Team ng Antipolo City Police Station.
Dagdag pa ni PCol Baccay, nakuha mula sa suspek ang 23 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 61.8 gramo na nagkakahalaga ng Php420,000; isang pirasong color blue sling bag; isang pirasong black pouch; isang unit ng North American Arms 9mm revolver na may serial number 7357 at siyam na pirasong 9mm live ammunition.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Violation of RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.
Ang Pambansang Pulisya ay pinapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga na sumisira sa kinabukasan ng kabataan at katahimikan ng komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes