Makati City — Umabot sa Php414,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati City Police Station nito lamang Biyernes, Nobyembre 10, 2023.
Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Bentong”.
Ayon kay PBGen Mariano, nangyari ang operasyon sa kahabaan ng P. Burgos Street sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City bandang 2:17 ng hapon sa pinagsanib puwersa ng
Station Drug Enforcement Unit kasama ang mga tauhan ng Guadalupe Nuevo Sub-Station MCPS at SWAT personnel ng Makati CPS.
Nakumpiska ng mga otoridad ang isang knot-tied at isang heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 61 gramo at may Standard Drug Price na Php414,800; at isang Php1,000 bill na magkasamang 99 na piraso ng Php1000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Dagdag pa rito, nasamsam rin mula sa suspek ang isang sobre at isang Realme na cellphone.
Kasong paglabag sa Article II, Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ni alyas “Bentong”.
Hindi titigil ang kapulisan ng Southern Metro sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra kriminalidad upang makamit ang ligtas at pamayapang komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos