San Fernando City, Pampanga – Umabot sa Php408,000,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa buy-bust operation ng PNP nito lamang Huwebes, Hulyo 28, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Randy Q Peralta, Director ng PNP DEG, ang suspek na si Hernani Loranya Cosumo, 31, walang asawa, residente ng B16, L12, Kingstown One Subdivision, Barangay Bagumbong, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peralta, naaresto ang suspek bandang alas-2:00 ng hapon sa harap ng Mega Station along NLEX KM 62, Barangay San Felipe, San Fernando, Pampanga ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group, Special Operations Unit NCR at PNP DEG Intelligence and Foreign Liaison Division, PNP DEG Special Operations Unit 3, Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit and Regional Special Operations Group of Police Regional Office 3, National Capital Region Police Office, Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit, San Fernando City Police Station Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit 3, NCR, Criminal Investigation and detection Group Regional Field Unit 3 at NCR, Philippine Drug Enforcement Agency 3.
Nakumpiska mula sa suspek ang 60 kilograms na naglalaman ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php408,000,000, dalawang genuine Php1,000 bill bilang buy-bust money, isang unit na cellular phone, isang unit of Hyundai Starex na may plate number na YFU655 at Assorted Identification Cards at documents.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas ang komunidad.
Source: PNP DEG
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio