Labo, Camarines Norte – Tinatayang Php408,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa isang drug den sa buy-bust operation ng mga pulisya nitong Huwebes, Marso 31, 2022.
Kinilala ni Chief of Police, Police Lieutenant Colonel Juancho Ibis ng Labo Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Ben”, 60, residente ng Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte at ang dalawang bisita sa nasabing drug den na sina alyas “Densio”, 36, residente ng Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte at alyas “Ging” 29, residente ng Brgy, Dogongan, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ibis, dakong 1:50 ng hapon naaresto ang mga nasabing suspek sa P-2B, Barangay Anahaw, Labo, Camarines Norte ng pinagsanib na puwersa ng Labo Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency Camarines Norte at Provincial Intelligence Unit Camarines Norte.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang sampung selyadong plastic na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 60 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000, ilang pirasong gamit na aluminum foil strips, apat na pirasong improvised burner, disposable lighter, isang rolyo ng aluminum foil, isang cellphone at isang Php500 bill.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hinihikayat ng mga pulisya ang mamamayan na iwasan ang ilegal na droga sapagkat wala itong maidudulot na mabuti bagkus mapapariwara ang buhay.
Source: Labo MPS
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao
Salamat sa mga pulis nahuli kayo