Angeles City – Nakumpiska ang tinatayang Php408,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Angeles City PNP sa Ramon Street, Balibago, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-1 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Juritz Rara, City Director ng Angeles City Police Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Edison”, 34, residente ng South Daang Bakal, Dau, Mabalacat City, Pampanga at alyas “Rex”, 42, residente ng Narciso Street, Malabanias, Angeles City.
Bandang 10:30 ng gabi nang ikinasa ng mga operatiba ng Angeles City PNP ang operasyon na nagresulta ng pagkakasabat sa 12 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na shabu na may bigat na 60 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000; isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money; siyam na piraso ng Php1,000 bill bilang boodle money; at isang unit black Euro motorcycle.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Angeles City PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga at magbibigay kaalaman sa mga barangay/paaralan sa masamang dulot ng ipinagbabawal na gamot.
Source: Angeles City Police Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3