Calabanga, Camarines Sur – Tinatayang Php408,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa anim na suspek sa isang drug den sa buy-bust operation ng operatiba ng Camarines Sur nito lamang Lunes, Marso 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Bernardo Perez, Provincial Director, Camarines Sur Police Provincial Office, ang mga suspek na sina Mylene Abedaño Eveller, 31, walang trabaho; Maria Abedaño Galon, 52, may-ari ng sari-sari store; Efren Jay Abedaño Galon, 18, estudyante; Eric Sarhento Coner, 21, vendor; Zacarias Abedaño Galon, 25, walang trabaho, pawang mga residente ng Maguiring, Calabanga, Camarines Sur at Francisco Velarde Benetiz 38, vendor, residente ng Barangay, Sibobo, Calabanga, Camarines Sur.
Ayon kay Police Colonel Perez, dakong 6:00 ng gabi naaresto ang mga suspek sa isang drug den sa Zone 2, Barangay Maguiring, Calabanga, Camarines Sur sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Camarines Sur, Camarines Sur Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit at Calabanga Municipal Police Station.
Ayon kay Police Colonel Perez, nasamsam sa operasyon ang isang heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa limang gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php34,000 at isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang sa 55 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php374,000.
Dagdag pa ni Police Colonel Perez, kabilang sa nasamsam ang isang genuine 500 pesos bill bukod pa sa ilang boodle money na ginamit bilang buy-bust money at iba pang bagay na hindi droga.
Aniya pa ni Police Colonel Perez, ang pinakatarget nila ay si Mylene Abedaño Eveller na siya umano ang nagpapatakbo at may-ari ng drug den at isa rin siyang notorious drug dealer sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni Police Colonel Perez, naaktuhan nila ang iba pang suspek na gumagamit ng ilegal na droga habang isinasagawa ang operasyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang ating kapulisan ay patuloy lamang sa kampanya laban sa ilegal na droga at lalo na’t maraming pang bilang ang sangkot sa ilegal na aktibidad.
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao
Congrats good job PNP