Bataan – Tinatayang Php408,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa pitong suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Cataning, Balanga City, Bataan nito lamang Martes, ika-26 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jimmy”, 52; “Daryl”, 37; “Melchor”, 24; “Arvin”, 46; “Melvin”, 42; “Test”, 50; at “Allan Reyes”, 53, pawang mga residente ng Balanga City, Bataan.
Matagumpay ang ikinasang operasyon na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Sonia Alvarez, Chief of Police ng Balanga City Police Station.
Narekober sa mga suspek ang umabot sa 60 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000 at isang Php1,000 bill bilang buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Sinisiguro ng Balanga City PNP ang kanilang patuloy sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at ilagay sa likod ng rehas ang taong may sala sa batas.
Source: Balanga City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera