Angeles City – Nasamsam ang tinatayang Php408,000 halaga ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa isang High Value Individual matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa kahabaan ng Kalayaan Road, Brgy. Cutcut, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-26 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Amado Mendoza Jr, City Director ng Angeles City Police Office, ang drug personality na si alyas “Elmer”, HVI.
Bandang 8:00 ng gabi nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakasabat sa hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php408,000 na may timbang na higit kumulang 60 gramo.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Patunay lamang na ang PNP ay seryoso sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga dahil ang kaliwa’t kanang operasyon ay sumasalamin sa dedikasyon at determinasyon ng bawat miyembro ng Pambansang Pulisya na puksain ang salot at sumisira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.
Source: Police Regional Office 3
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera