South Cotabato – Aabot sa Php408,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Koronadal City PNP sa isang lalaking High Value Individual sa ikinasang anti-illegal drug operation nito lamang Biyernes, Disyembre 8, 2023 sa Purok Super Village, Brgy. Zone 3, Koronadal City, South Cotabato.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Amor Mio Somine, Chief of Police ng Koronadal City Police Station, ang naarestong HVI na si alyas “Oswell”, 43-anyos, walang asawa, at residente ng Brgy. New Iloilo, Tantangan, South Cotabato.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php408,000, buy-bust money at iba pang non-drug items.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga operatiba ng Koronadal City Police Station, PDEU at 1st PMFC SCPPO, RID 12 at RSOG 12 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin