Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php408,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Zamboanga City PNP sa Sitio Pinya, Brgy. Bungiao, Zamboanga City nito lamang Linggo, Setyembre 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, Acting City Director ng Zamboanga City Police Office, ang dalawang suspek na sina Vincent Delos Reyes Gonzales, 35 at William Dionisio Montibon, 38, (deceased).
Ayon kay PCol Lorenzo, naaresto ang dalawang suspek bandang 5:13 ng hapon ng mga operatiba ng Zamboanga City Drug Enforcement Unit, Zamboanga City Police Office-Station 3 at 1 st Zamboanga City Mobile Force Company.
Nagkaroon ng transaksyon at natunugan ni Montibon na isa sa kanyang ka-transaksyon ay pulis kaya bigla niya itong binaril na dahilan na gumanti ng putok ang back-up team ng Zamboanga City PNP na nagresulta sa kamatayan ng naturang suspek.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 60 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000, isang M2 carbine caliber 30, isang KG9 calibre 9mm, one caliber 45 pistol, walong ammunition ng caliber 45, isang unit ng Samsung keypad cellphone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagpapaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan + Kapayapaan = Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Ang Zamboanga City PNP ay patuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga para maging drug-free ang siyudad at ligtas sa anumang uri ng kriminalidad.
Source: Zamboanga City Police Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz