Cagayan de Oro City – Tinatayang nasa Php408,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa dalawang babae ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 10 sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 10, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City nito lamang Lunes, Enero 9, 2023
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang dalawang suspek na sina alyas “Phyca”, 29, at alyas “Mary”, 36 at kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang paketeng hinihinalang shabu na may bigat na 60 gramo na nagkakahalaga ng Php408,000 at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na paiigtingin ng mga miyembro ng Police Regional Office 10 katuwang ang mamamayan sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanagot ang mga gumagamit at nagtutulak at mapanatili ang ligtas, maayos at mapayapang komunidad sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10