Malabon City — Tinatayang nasa Php408,000 halaga ng shabu ang naasabat sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng Malabon City PNP nito lamang Sabado, ika-23 ng Abril 2022.
Kinilala ni District Director Police Brigadier General Ulysses Cruz ng Northern Police District ang mga suspek na sina John Marcos Valentin y Garcia alyas “Labo”, 18, Allen Santos y Bonita alyas “Allen”, 34, at Rodolfo Delabajan Jr y Baniagas alyas “Jr”, 18, pawang mga residente ng Lungsod ng Navotas.
Ayon kay PBGen Cruz, bandang 9:50 ng gabi naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Dr. Lascano Street, Barangay Tugatog, Lungsod ng Malabon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Sub-station 2 ng Malabon CPS.
Ayon pa kay PBgen Cruz, nakumpiska sa kanila ang walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 60 gramo ang bigat at may street value na Php408,000, at isang libong piso na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ni PBGen Cruz na patuloy pa rin ang Northern Police District sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa buong CAMANAVA.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos