Nasabat ang Php408,000 halaga ng shabu habang arestado naman ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug-bust operation ng pulisya sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi nito lamang ika-18 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mujiburahman N Hadjula, Officer-In-Charge ng Bongao MPS, ang suspek na si alyas “Roland”, 18 anyos at residente ng Barangay Pababag, Bongao, Tawi-Tawi.
Bandang 9:18 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Bongao MPS katuwang ang 1st Tawi-Tawi PMFC, 1405th-B RMFB 14-B matapos maaktuhan ito na gumagawa ng iligal na transakyon ng iligal na droga.
Nakuha mula sa suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbag na 60 gramo at nagkakahalaga ng Php408,000 at iba pang non-drug items.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang inihahanda laban sa suspek.
Ang Tawi-Tawi PNP ay patuloy na susugpuin ang mga iligal ng aktibidad partikular ang mga iligal na droga upang mapigilan itong makapinsala at makasira ng buhay ng mga residente sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Veronica Laggui