Nasakote ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station ang isang High Value Individual (HVI) at nakumpiska ang tinatayang Php408,000 na halaga ng shabu sa Barangay Cembo, Taguig City bandang 4:00 ng madaling araw ng Martes, Agosto 20, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang naarestong suspek na si alyas “Romark,” 39 taong gulang.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php408,000, isang asul na pouch, Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, at anim na Php1,000 bill boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang tuloy-tuloy na tagumpay ng mga operasyon ng SPD laban sa ilegal na droga ay isang magandang senyales upang makamit ang isang ligtas at maunlad na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos