Nakumpiska ang tinatayang Php408,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad na nauwi sa engkwentro sanhi ng pagkakapatay sa suspek sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-23 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Christopher Cabugwang, Chief of Police, Parang Municipal Police Station, ang napatay na suspek na si alyas “Meto”, residente ng nasabing lugar.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga pinagsanib na pwersa ng Parang MPS, Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Police Drug Enforcement Unit BAR, Regional Special Operations Group, 1401st Regional Mobile Force Company.
Narekober mula sa suspek ang limang piraso ng silyadong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 60 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000; isang piraso ng Php1,000 bill, isang pirasong ng Php1,000 bill na ginamit bilang marked money at caliber .45 na baril.
Ang PRO BAR ay mas lalo pang paigtingin ang kampanya na mapanatili ang kaayusan at mapanatiling ligtas ang komunidad sa anumang uri ng kriminalidad para makamit ang maunlad at mapayapang rehiyong Bangsamoro.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J. Agbuya