Mabalacat City, Pampanga – Tinatayang Php408,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Mabalacat City PNP nito lamang Miyerkules, Agosto 10, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Protom Guevarra, Acting Chief of Police ng Mabalacat City Police Station, ang dalawang suspek na sina Kevin Jay Fernandez y Liangcongco, 28, residente ng Brgy. Marcos, Village Sitio Bilad, Mabalacat City, Pampanga at Jamaica Dizon y Lizada, 28, residente ng Madapdap Resettlement, Brgy. Dapdap, Mabalacat City, Pampanga.
Ayon kay PLtCol Guevarra, bandang 6:25 ng gabi nang maaresto ang dalawang suspek sa Brgy. Dapdap, Mabalacat City, Pampanga ng pinagsanib pwersa ng Mabalacat City Police Station at Regional Police Drug Enforcement Unit 3.
Narekober mula sa mga suspek ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php408,000, isang zippered coin pouch, isang black shoulder bag, Php340 cash, isang android cellphone, isang Yamaha Mio Motorcycle, at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang marked money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang kampanya ng PNP para tuluyang masugpo ang talamak na droga sa ating komunidad na siyang sumisira sa kinabukasan ng ating kabataan.
Source: Mabalacat City Police Station
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3