Tinatayang Php400,000 halaga ng marijuana plants ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Legab, Kayapa, Bakun, Benguet noong ika-21 ng Marso 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division, Benguet Police Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 250 square meters at may nakatanim na humigit kumulang 2,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may halagang Php400,000.

Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang pagpuksang ito ng Benguet PNP ay patuloy na pagsuporta sa kasalukuyang administrasyon na naglalayong maging illegal drug free ang ating bansa tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Melba Langbis