Tinatayang Php400,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 10 katuwang ang Bukidnon Provincial Intelligence Unit at Talakag Municipal Police Station na naganap sa Barangay Tagbak, Talakag, Bukidnon nito lamang ika-6 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Hadley L Banding, Company Commander ng RMFB 10, ang suspek na si alyas “Cloy”, 24 taong gulang, driver at residente ng Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon sa ulat, naharang ang isang Blackish Red Mica Toyota na may plakang KAF 6787 na galing pa sa Marawi City, Lanao del Norte na may mga kargang kahang mga smuggled na sigarilyo ng 10 ream na Fort na tinatayang nagkakahalaga ng Php400,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o ang “Graphic Health Warnings Law”.
Ang mas pinaigting at mahusay na operasyon ay naglalarawan sa pagkakaisa ng ahensya ng pamahalaan sa pagsugpo ng iligal na droga para sa kapakanan ng mamamayan at kaligtasan ng komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.