Nakumpiska ang tinatayang Php4.9 milyong halaga ng puslit na sigarilyo mula sa isang babae sa isinagawang law enforcement operation ng mga awtoridad sa Purok Gumamela, Barangay Makuguihon, Molave, Zamboanga del Sur dakong 9:00 ng gabi noong Hunyo 3, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ligaya”, 65-anyos, may asawa, negosyante, at residente ng nasabing lugar.


Ang operasyon ay isinagawa ng RA-ZDS, RID9 (Lead Unit), 902nd MC RMFB9, ZSPIU, at Bureau of Customs-Pagadian City Satellite Office sa bisa ng Search Warrant.
Sa operasyon ay nakumpiska ang humigit-kumulang 87 master cases ng iba’t ibang puslit na sigarilyo na tinatayang may halagang Php4,985,100.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kaayusan sa ating pamayanan.
Panulat ni Pat Joyce Franco