Kalinga – Tinatayang Php4,800,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang dalawang araw na marijuana eradication ng mga awtoridad sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-14 at 15 ng Hunyo 2023.
Ayon kay Police Brigadier General David Peredo Jr., ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa ilalim ng PDEA COC No. 10002-062023-0036 “PNP OPLAN TARANTAG”, sa pangunguna ng mga operatiba ng Tinglayan Municipal Police Station kasama ang Provincial Intelligence Unit at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PBGen Peredo Jr., ang isinagawang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang malawakang plantasyon na may mahigit kumulang 24,000 Fully Grown Marijuana Plants sa isang communal forest na may Standard Drug Price na Php4,800,000.
Kaagad namang binunot at sinunog ang nadiskubreng marijuana habang walang naitalang nahuli sa operasyon subalit pinapaalalahanan ang publiko na itigil ang pagtatanim ng marijuana sapagkat hindi titigil ang Kalinga PNP sa pagpuksa at paghuli sa mga nagtatanim at nag-aangkat sa ipinagbabawal na halaman.