Southern Police District — Umabot sa Php4,515,880 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa labing tatlong drug suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District nito lamang Hulyo 19 at 20, 2022.
Ayon kay SPD Director, PBGen Jimili Macaraeg, sa Makati City, bandang 5:18 ng hapon ng Hulyo 19, naaresto ang tatlong suspek sa 4050 Bernardino St. Barangay Guadalupe Viejo ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati CPS.
Kinilala ang mga suspek na sina Christian Chavez y Cacayan alyas “Nestor,” 24; Jay-ar Padilla y Jarbadan alyas “Onyok,” construction worker, 34; at Ryan Magalong y Lopez alyas “Ryan”, driver, 40.
Nasamsam sa mga suspek ang anim na self-sealed transparent plastic sachet at dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 617 gramo at may Standard Drug Price na Php4,195,600, isang Php1,000 na buy-bust money, 159 piraso na Php1000 bilang boodle money at isang gray na Samsonite belt bag.
Bandang 11:45 naman ng gabi, nahuli sa No. 371 Real Street Pulang Lupa Uno, Las Piñas City sina Melanie Arsola Cabarles, 30; Eric Gaon Versoza alyas “Bunek,” 36; Noel Arsula Cabarles, 27; Emanuel Arsula Cabarles, 23; Rolando Cabansag Quilatan, 43; at JB Nerie Deloguines Vasquez, 34.
Nakumpiska sa anim na suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may bigat na 25 gramo at nagkakahalaga ng Php170,000, isang Php500 at isang grey/black coin purse.
Dagdag pa ni PBGen Macaraeg, sa Taguig City naman, naaresto ang suspek na si Ruby Jane Dolar y Pusta alyas “Jane,” 26, bandang 2:00 ng madaling ayaw nitong Miyerkules, Hulyo 20 sa kahabaan ng Kakaw St., Brgy. Kanlurang Bicutan ng mga operatiba ng SDEU ng Taguig CPS.
Narekober mula sa suspek ang 15 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 14.1 gramo at may Standard Drug Price na Php95,880, isang blue coin purse, at Php200 bilang buy bust money
Samantala, dakong 2:30 ng madaling araw sa parehong petsa, timbog ang tatlong drug suspect sa No. 244 MLQ St. Brgy Hagonoy Taguig City ng Taguig SDEU na kinilala na sina Erdie Manuel y Alcantara alyas “Joaquin,” 42; Ronnel Ferma y Cruz, 24; at Edgardo Lubarbio y Abella, 50.
Nasabat sa kanila ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na umano’y shabu na humigit kumulang walong gramo ang bigat at nagkakahalaga ng Php54,400, at Php300 na buy-bust money.
Mahaharap ang labing tatlong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang SPD ay nangangako na matitigil din itong illegal drug trade sa ating lugar, dahil ito ay isang seryosong banta sa komunidad. Kaya naman ang ating mga pulis sa ground ay walang pagod na magtatrabaho upang mapanatiling ligtas at mapayapa ang ating area,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos