Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php4,410,000 na halaga ng assorted smuggled cigarettes sa apat na naarestong suspek sa ikinasang joint seaborne patrol ng mga awtoridad nito lamang Mayo 5, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jam”, 22, walang asawa, residente ng Brgy. Sothcom, Zamboanga City; alyas “Jihad”, 52, may asawa at residente ng Brgy. Taluksangay, Zamboanga City; alyas “Albani”, 26, may asawa at ang kapitan ng bangka na si alyas “Alyasser”, 35, may asawa, pawang mga residente ng Brgy. Kasanyangan, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 2:30 ng madaling araw nang mahuli ng mga pinagsanib na puwersa ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company at Bureau of Customs Intelligence ang mga suspek sa karagatan na bahagi ng Brgy. Recodo, Zamboanga City na kung saan naaktuhan ang mga ito na sakay ng bangkang de-motor na tinatawag na “Jungkong” na may markang “NADZ” at kulay berde na may kargang 124 na kahon ng assorted smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng Php4,410.000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9