Sulu – Tinatayang Php4,375,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa Anti-Smuggling Operations ng kapulisan ng Sulu sa iba’t ibang munisipalidad ng nasabing probinsya nitong Martes, Marso 29, 2022.
Ayon kay Police Colonel Jaime Mojica Jr, Acting Provincial Director, Sulu Police Provincial Office, ang Jolo MPS ay nakakumpiska ng limampung cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng Php2,500,000; ang Indanan MPS naman ay nakakumpiska ng tatlumpung cases na nagkakahalaga ng Php900,000; sa Patikul MPS ay nakakumpiska ng labinlimang cases na nagkakahalaga ng Php225,000 habang sa Parang MPS ay dalawampu’t limang cases na nagkakahalaga ng Php750,000.
Katuwang ng Sulu PNP sa nasabing operasyon ang kapulisan mula sa MARPPSTA, 7SAB, Sulu PIT, RIU 9, 1st and 2nd PMFC, SA FIID-SIU SIT-9, 71st SAC, 7TH SAB.
Ang mga nakumpiskang smuggled items ay dinala sa Camp PSSupt Julasirim Kasim sa Brgy. Asturias, Jolo para sa dokumentasyon bago iturn-over sa Bureau of Customs-Sulu.
Ang Sulu PPO sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng Lokal na Pamahalaan ay patuloy na magtatrabaho para sa pagpapatupad ng mga probisyon sa ilalim ng RA No. 8424 o National Internal Revenue Code of 1997 at sumusuporta sa mga operasyon ng Bureau of Customs at Anti-smuggling sa ilalim ng RA No. 10863.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz
Good job sa mga alagad ng batas