Tinatayang Php4,342,400 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa probinsya ng Benguet at Kalinga nito lamang Abril 23, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General David K Peredo Jr., naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng mga tauhan ng Benguet, Kalinga PNP at PDEA CAR.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng limang taniman ng marijuana na may 11,500 fully grown marijuana plants, 1,200 marijuana seedlings, at 6,620 gramo ng dried marijuana stalks sa lugar ng Tacadang, Kibungan, Kayapa, at Bakun, Benguet.



Habang isang marijuana plantation site na man ang nadiskubre sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga na mayroong 6,000 fully grown marijuana plants.
Agad naman winasak ang mga nadiskubreng marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na Php4,342,400.
Bagamat walang nahuling cultivator, patuloy ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.
Source: Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR)