Zamboanga City – Tinatayang nasa Php4,235,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinagawang intelligence driven operations ng Zamboanga PNP nito lamang Martes, Mayo 24, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang mga suspek na sina Khan Jawari Adin, 24; Aldin H Sabtal, 30 at Benshariff H Bari, 32.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 8:10 ng umaga nang maaresto ang mga suspek sa Upper, Cabatangan, Zamboanga City ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit-9; Regional Intelligence Division-9; 206 Tactical Helicopter Squadron/Intel Branch ng Philippine Air Force at Bureau of Customs.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa mga suspek ang 121 master cases ng undocumented Fort brand ng smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php4,235,000 na nakatago sa kulay orange na Isuzu Elf closed van na may Plate No. 2775.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Samantala, binigyang pugay ni PBGen Simborio ang kanyang mga tauhan. Ito ang nagpapatunay na walang tigil sa pagpapatupad ng batas upang masigurado ang katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz