Thursday, January 16, 2025

Php4.2M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust ng NPD; HVI, kalaboso

Kalaboso ang isang lalaking tinaguriang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District at nakumpiska ang humigit-kumulang 625 gramo ng hinihinalang shabu nito lamang bandang 5:56 ng madaling araw ng Miyerkules, Enero 15, 2025 sa kahabaan ng Domato Street, Barangay 188, Caloocan City.

Kinilala ni Police Colonel Josefino D Ligan, Acting District Director ng Northern Police District, ang suspek na si alyas “Khadapi,” lalaki, 50 taong gulang, at residente ng Caloocan City.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD, sa tulong ng Caloocan City Police Station (CCPS) SDEU at ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng CCPS na humantong sa pagkakakumpiska ng walong pakete ng ilegal ng droga na nagkakahalaga ng Php4,250,000 at non-drug evidence.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Nananatiling matatag ang NPD sa pangako nitong ipatupad ang AAA Strategy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) – Magagawa, Aktibo, at Kaalyado – sa pamumuno ni Acting Regional Director Police Brigadier General Anthony A Aberin.

Nananawagan naman ang Northern Metro Cops sa publiko na aktibong lumahok sa paglaban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o sa pamamagitan ng mga itinalagang hotline.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles