Cotabato – Tinatayang Php4,200,000 halaga ng halamang marijuana ang sinira at sinunog ng Cotabato PNP at PDEA 12 sa isinagawang Anti-Narcotic Operation sa Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato nito lamang ika-16 ng Enero, 2023.
Matagumpay na naisagawa ang eradikasyon ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng Police Regional Office 12; PDEA Sarangani Provincial Office; PDEA South Cotabato Provincial Office; Philippine Drug Enforcement Group Special Operating Unit 12; Regional Mobile Force Battalion 12; Regional Police Drug Enforcement Unit 12; Regional Special Operations Group 12; Tampakan Municipal Police Station; at kasundaluhan ng 10th Special Force 5th SFCOY, at 73rd Infantry Battalion, Philippine Army.
Natuklasan ng mga operatiba sa nasabing lugar ang humigit kumulang 21,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may tinatayang halaga na Php4,200,000.
Agad namang binunot at sinunog ng mga alagad ng batas ang nadiskubreng mga marijuana sa mismong lugar ng taniman kung saan walang nahuling marijuana cultivator.
Bagama’t nakilala pa rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng salarin na si alias “Yatan Piang” at nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa Section 16 (Cultivation of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon na ito ng PRO 12 PNP at PDEA 12 ay isa lamang resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga alinsunod sa mga programa ng pambansang pulisya na MKK=K na naglalayong mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng komunidad.
Source: PDEA Regional Office VII
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin