Friday, May 2, 2025

Php4.08M halaga ng shabu, nasabat sa joint buy-bust operation

Tinatayang Php4.08 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang joint buy-bust operation ng PNP sa Hacienda San Lucas, Barangay Hilamonan, Kabankalan City, Negros Occidental nitong ika-12 ng Perbrero 2024.

Inilunsad ang nasabing operasyon bandang 7:40 ng umaga sa pangunguna ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 6 kasama ang Kabankalan Component City Police Station, PNP Drug Enforcement Unit ng Negros Occidental Police Provincial Unit, Regional Intelligence Unit 6 at Integrity Monitoring and Enforcement Group Visayas Field Unit na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong High Value Drug Personalities.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Indiape Jr., hepe ng Kabankalan City Police Station, ang mga naaresto na sina alyas “Mikel”, 38; alyas “Hamid”,19; at alyas “Ayna”, 35, lahat ay kapwa residente ng Barangay Sta. Elena, Ilagan City, Lanao Del Norte.

Ayon kay PLtCol Indiape, narekober sa mga suspek ang anim na malaking knot-tied plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kasama ang buy-bust item na may bigat na humigit-kumulang sa 600 gramo na nagkakahalaga ng Php4,080,000 at buy-bust money.

Maliban sa droga ay nakumpiska rin ang isang yunit na Mitsubishi Mirage na ginamit ng mga suspek at iba pang mga gamit.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang nagkakaisang pagsusumikap ng PNP sa pagsugpo sa ilegal na droga ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pakikiisa sa iisang mithiin ng ating gobyerno sa isang maunlad bansa.

Panulat ni Patrolman Brent Marx Ngaya-an

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles