Monday, May 12, 2025

Php3M halaga ng shabu at marijuana kush, nasabat sa buy-bust ng Pateros PNP

Tiklo sa isinagawang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pateros Municipal Police Station ang isang High Value Individual at pagkakasamsam ng hinihinalang shabu at marijuana kush na may tinatayang halaga na Php3,000,000 nito lamang Sabado, Mayo 10, 2025 sa Barangay Sta. Ana, Pateros.

Kinilala ni Police Colonel Anthony C. Gantang, Hepe ng Pateros Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Cristobal,” itinuring na HVI.

Nagresulta ang operasyon ng Pateros PNP sa pagkakasabat ng isang sachet ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana kush, isang piraso ng Php1,000 bill bilang marked money, apat (4) na karagdagang sachet ng marijuana, at dalawang (2) kilong shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php3,000,000.

Nahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Pinuri ni Police Brigadier General Joseph R. Arguelles, Acting District Director ng Southern Police District, ang mabilis at epektibong aksyon ng Pateros Police.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng walang humpay na dedikasyon at husay sa pagpapatupad ng batas. Binabati ko ang Pateros MPS sa kanilang matapang at maagap na hakbang laban sa mga sangkot sa ilegal na droga. Isa itong malinaw na babala — hindi kami magpapabaya. Hahanapin namin kayo, at papanagutin kayo sa batas.”

Source: SPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles