Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang Php3,070,000 halaga ng dried marijuana leaves at marijuana oil sa ikinasang buy-bust operation sa Atok Trail, Baguio City nito lamang ika-3 ng Setyembre 2024.
Ayon kay Police Brigadier General David K Peredo Jr, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region, ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-CAR Baguio-Benguet Provincial Office, kasama ang Baguio City Police Office Police Station 4; City Drug Enforcement Unit; City Intelligence Unit; Baguio RIU 14 CIT-Baguio; at Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 15.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakumpiska ng mahigit kumulang 25,000 gramo ng dried marijuana leaves na may tangkay at fruiting tops; 1,400 ml na bote ng hinihinalang marijuana oil na may kabuuang halaga na Php3,070,000 Standard Drug Price.
Gayunpaman, naramdaman ng dalawang suspek ang presensya ng mga operatiba kaya agad na tumakas at nagresulta sa pagkakadakip ng anim na transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may tangkay at fruiting tops na tinatayang 25,000 gramo na may halagang Php3,000,000 Standard Drug price at apat na piraso ng 2×2 na bote ng hinihinalang marijuana oil na tinatayang may 1,400 ml na may halagang Php70,000 Standard Drug Price, at mga non-drug paraphernalia.
Ito ay bilang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga at maging illegal drug-free ang bansa.