Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php3,000,000 na halaga ng assorted smuggled cigarettes sa ikinasang Intel-driven operation ng Zamboanga City PNP sa Varadero St, Brgy. Cawit, Zamboanga City nito lamang Martes, Disyembre 6, 2022.
Ayon kay Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, bandang 8:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 9 at City Investigation Unit 9 na nagresulta sa pagkadiskubre ng inabandonang 39 master cases ng Cannon, 15 master cases ng Astro, 10 master cases ng Nelson, 15 master cases ng San Marino white, limang master cases ng San Marino red, 3 master cases ng Bravo red at isang master case ng Fort na sa kabuuan ay may 88 master cases ng assorted smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,000,000.
Samantala, patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Zamboanga City PNP upang tukuyin ang mga sangkot na suspek sa likod ng mga ilegal na gawain sa kanilang nasasakupan at nanawagan sa komunidad na tulungan ang pulisya upang managot ang mga may sala sa batas.
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz