Saturday, November 23, 2024

Php39M halaga ng high-grade marijuana, nakumpiska sa Bulacan

Nakumpiska ang hinihinalang high-grade marijuana o Kush sa Balagtas, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Nobyembre 2024.

Base sa inisyal na imbestigasyon, personal na nagtungo sa Balagtas Municipal Police Station ang isang ginang upang iulat ang natanggap na package ng kanyang asawa mula sa isang delivery service.

Ang kargamento, na ipinadala ng isang alyas “Paul” mula Toronto, Canada, ay nakapangalan sa kanyang nakakulong na kapatid.

Sinabi ng ginang na wala silang kamag-anak sa ibang bansa, kaya’t pinaghihinalaan niyang ang package ay may kaugnayan sa kasong kinahaharap ng kanyang kapatid, na nasangkot sa ilegal na droga.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Balagtas MPS sa pamumuno ni Police Major Karl Vincent Cetinaje, Acting Chief of Police, kasama ang isang kagawad ng barangay, kinatawan mula sa DOJ, at media representatives, upang beripikahin ang ulat.

Sa isinagawang pagsusuri, natuklasan sa loob ng package ang 52 selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana na tumitimbang ng tinatayang 26 kilo na may standard drug price na umaabot sa Php39 milyon.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung sino-sino pa ang posibleng sangkot at kung gaano kalawak ang operasyon ng sindikato na maaaring bahagi ng isang mas malawak na international drug trade.

Pinuri ni Police Brigade General Redrico A Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 3 ang mabilis na aksyon ng Balagtas MPS.

“Ang pagkakatuklas na ito ay patunay ng ating patuloy na laban kontra droga sa rehiyon. Pinapalakas natin ang ugnayan sa mga komunidad upang mapigilan ang anumang gawain na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng kapulisan, kundi ng mamamayan laban sa mga krimen.”

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles