Monday, May 19, 2025

Php38M halaga ng marijuana binunot at sinunog ng Kalinga PNP

Tinatayang Php38,000,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang tatlong araw na marijuana eradication sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-10 hanggang 12 ng Enero 2024.

Ayon kay Police Colonel Freddie Lazona, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-CAR Kalinga Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Unit-Kalinga, Kalinga Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division-Cordillera, Tinglayan Municipal Police Station, Special Action Force, 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Philippine Army at Kalinga District Jail.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 15,000 square meters at may tanim na humigit kumulang 190,000 halaman ng marijuana plants na nagkakahalaga ng tinatayang Php38,000,000 Standard Drug Price.

Bagama’t walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana sa mismong lugar at kumuha ng sapat na sample upang isumite sa Regional Forensic Unit para sa qualitative test.

Pinuri naman ni PCol Lazona ang tagumpay ng mga iba’t ibang operatiba sa pagsugpo ng marijuana.

“Nananawagan ako sa publiko na magbigay ng impormasyon sa himpilan ng pulisya para sa mabilisang pagsasagawa ng aming mga operasyon,” dagdag pa ni PCol Lazona.

Panulat ni Patrolwoman Melba Langbis

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles