Sinira ang mahigit Php38,000,000 halaga ng ilegal na droga sa Hall of Justice Jolo, Sulu noong ika-23 ng Nobyembre 2024.
Ang pagsira ng mga nasamsam na ilegal na droga ay sinaksihan ni PDEA BARMM Regional Director Gil Cesario Castro, Sulu Provincial Administrator Ermin Tan, Sulu Provincial Director Police Colonel Narciso Paragas, PNP Forensic Unit at ng Prosecutor’s Office.
Ang mga nasamsam at sinirang ilegal na droga ay may kabuuang timbang na 5.6 kilo at nagkakahalagang Php38 milyon ay mula sa operasyon ng PDEA BARMM at PNP kontra ilegal na droga sa probinsya ng Sulu mula taong 2022 hanggang taong 2024.
Sinira ang naturang ilegal na droga sa pamamagitan ng paghalo sa semento upang masiguro na hindi na ito makapinsala pa.
Isa umano itong mabisa na paraan sa pagsugpo ng paglaganap ng ilegal na droga sa Rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui