Nasabat ng Makati PNP ang mahigit Php387,000 halaga ng shabu mula sa tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, Makati City bandang 10:47 ng gabi nito lamang Miyerkules, Abril 2, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jean Dela Torre, Chief of Police ng Makati CPS, ang mga suspek bilang sina alyas “Rafraf,” 35 anyos, lalaki, at alyas “Jemalyn,” 26 anyos, babae, kapwa nakalista bilang High Value Individual (HVI) at residente ng San Isidro, Makati City; at alyas “Benjamin,” 42 anyos, lalaki, Street-Level Individual na residente ng Pasay City.
Nasamsam mula kay alyas “Rafraf” ang limang heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang silver pouch, at isang green Samsung mobile phone.

Samantala, mula kay alyas “Benjamin” ay nakuha ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang bisikleta.
Si alyas “Jemalyn” naman ay nakuhaan ng isang tunay na isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at 79 na piraso ng Php1,000 bill ng boodle money.
Umabot sa 57 gramo ang kabuuang bigat ng nakumpiskang ilegal na droga na may Standard Drug Price na Php387,600.
Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Hinihimok ng Makati PNP na maging drug free ang nasasakupang komunidad upang mas mapalakas pa ang ekonomiya at kaunlaran ng ating bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos