Batangas City, Batangas – Tinatayang Php384,330 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng Batangas PNP nito lamang Martes, Hulyo 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si Patrocinio Barredo Jr, alyas “Pat” 51, residente ng Brgy. Cuta, Batangas City.
Ayon kay PCol Cansilao, bandang 2:21 ng umaga naaresto ang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng Batangas City Police Station.
Nakumpiska sa suspek ang apat na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may 55.7 gramo ang bigat na tinatayang nagkakahalaga ng Php384,330, apat na pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money, tatlong pirasong Php1000 bill bilang boodle money, walong pirasong Php100 bill, coin purse at Yamaha sniper motorcycle.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Batangas PNP ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at anumang krimen upang manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Batangas Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio